Guro pinaghubad sa presinto
CAMARINES NORTE, Philippines — Dumulog sa himpilan ng isang lokal na istasyon ng radyo (Bombo Radyo Naga-DZNG) ang isang pribadong guro upang magpaabot ng reklamo laban sa isang opisÂyal ng pulisya at tatlo pang pulis makaraang paghubarin siya sa presinto sa hinalang nagtatago ng droga sa brief sa Bato, Camarines Sur kamakalawa.
Sukdulan ang galit at sobrang kahihiyan ang dinanas ng biktimang si Ruben Barja, isang guro sa Ocampo Academy sa lalawigan ng Camarines Sur ng biglang kapkapan at arestuhin ni P/Chief Insp Amado Montaña kasama ang tatlong pulis sa harap ng maraming tao sa isang kainan.
Sa salaysay ng biktima, pinaratangan umano siyang nagtatago ng ipinagbabawal na droga at ng walang makuha pinosasan ito at dinala sa himpilan ng pulisya saka doon pinaghubad ng damit kasama ang kanyang suot na brief.
Kaugnay nito desidido ang biktima at ang pamilya nito na sampahan ng kaso ang nasabing hepe at tatlo nitong tauhan sa kahihiyang dinanas sa kaniyang reputasyon at dignidad bilang isang guro. Nabatid pa na wala umanong warrant of arrest ang mga awtoridad ng arestuhin ang biktima.
- Latest