^

Probinsiya

Ret. police utas sa sa utol ng ka-live in

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Niratrat ng riding in tandem assassins ang isang retiradong pulis at ang live- in partner nito na sanhi ng pagkamatay ng nauna at kritikal na pagkakasugat ng isa sa Brgy. Binarsang, Quirino, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Isabela Police spokesman Chief Insp. Narciso Paragas ang nasawi na si Adorio Lucas, 58, samantalang kritikal naman ang live -in nitong biyuda na si Edna Adsuara, 40.

Batay sa report, sinundan ng mga gunmen ang mga biktima at pinaulanan ng bala ng cal. 45 kung saan dead on the spot si Lucas sanhi ng tama sa ulo, habang nagtamo naman ng tama sa ibat- ibang bahagi ng katawan si Adsuara.

Sa pahayag naman sa pulisya ng sugatang si Adsuara na isa sa mga gunman ay mismong kapatid niya na si Charles.

Nabatid pa na may nauna nang tangkang pagpatay ang suspect sa ate nito kung kayat kasalukuyan siyang humaharap  sa kasong frustrated murder subalit nakalabas lamang sa pamamagitan ng piyansa.

Asunto sa lupa ang pinaniniwalaang motibo ng krimen.

 

vuukle comment

ADORIO LUCAS

ADSUARA

ASUNTO

BATAY

BINARSANG

BRGY

CHIEF INSP

EDNA ADSUARA

ISABELA POLICE

NARCISO PARAGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with