Sanggol patay sa senglot na ama
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Namatay ang isang apat na buwang sanggol na pinaniniwalaang nadaganan ng langong ama nito sa Brgy. Caaoacan, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Antonio Mateo na umaming nakainom siya ng alak noong gaÂbing pinagitnaan nilang mag asawa ang sanggol nilang babae.
Maging ang asawa ng suspek na si Rely ang nagsabing hindi siya naniniwalang nadaganan ng asawa ang kanilang anak. Gayunman, hindi naman maipaliwanag ng mag-asawa kung bakit nagising na lamang silang patay na ang kanilang sanggol at nangingitim pa ang buong katawan.
- Latest