^

Probinsiya

Misis itinumba sa hapunan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsilbing huling hapunan ng isang 58 anyos na ginang ang pagkain nito makaraang pagbabarilin ng dalawang  maskarado at armadong kalalakihan sa harapan ng kaniyang pamilya sa Talacogon, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ni Supt. Martin Gamba, Spokesman ng CARAGA Police ang nasa­wing biktima na si  Mina Manpatilan, residente ng Purok 5, Brgy. Zillovia, Talacogon ng lalawigang ito.

Ang ginang ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at leeg na binawian ng buhay noon din sa insidente.

Ayon kay Gamba, naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi habang kumakain ng hapunan ang ginang kasama ng kaniyang mister at dalawang anak sa loob ng inuupahan ng mga itong bahay sa Brgy., Zillovia, Talacogon ng lalawigan. 

Bigla na lamang pumasok ang mga salarin sa bahay ng pamilya Manpatilan at agad pinagbabaril ang ginang.

Ilang sunud-sunod na putok ang umalingawngaw na tuluyang kumitil sa buhay ng biktima at ilang saglit pa ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

 Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM, cal 45 pistol.  Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang sa ginang na siyang bukod tanging pinuntirya ng mga salarin.

vuukle comment

AGUSAN

AYON

BIGLA

BRGY

ILANG

MARTIN GAMBA

MINA MANPATILAN

TALACOGON

ZILLOVIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with