^

Probinsiya

Pulis kinidnap ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong New People’s Army ang isang pulis  na hindi pa nakuntento ay nagpasabog pa ng landmine sa tropa ng Philippine Army sa liblib na bahagi ng Barangay Mainit sa bayan ng Nabunturan, Compostela Valley kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Compostela Valley PNP director P/Se­nior Supt. Damilo Pancratius Cascolan, kinilala ang kinidnap na si PO3 Ruben Najopa ng Nabunturan PNP.

Bandang alas-6 ng u­maga ng Lunes nang ila­tag ng mga rebelde ang checkpoint sa kahabaan ng highway kung saan natiyempuhan si Najopa.

Ayon naman kay Lt. Col. Lyndon Paniza, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, rumesponde sa nasabing kidnapping ang  tropa ng Army’s 66th Infantry Battalion lulan ng KM450 truck pero pinasabugan ng mga rebelde.

Nagtamo ng pinsala ang nasabing truck pero, nilinaw ni Paniza na walang nasugatang sundalo taliwas sa mga napaulat.

BARANGAY MAINIT

COMPOSTELA VALLEY

DAMILO PANCRATIUS CASCOLAN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

LYNDON PANIZA

NABUNTURAN

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

RUBEN NAJOPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with