^

Probinsiya

2 bagets patay sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang kabataan ang iniulat na namatay habang malubha naman ang isa pa matapos salpukin ng pickup ang kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng Patul Road, Barangay Rosario sa Santiago City, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Roderick Abad, 18, ng Paracelis, Mt. Province at Christine Delila Carub, 15, ng nabanggit na lungsod. Kasalukuyan naman nakikipagbuno kay kamatayan ang isa pang biktima na si Clyde Dayadon, estudyante sa bayan ng Paracelis, Mt. Province. Ayon sa ulat, umagaw ng linya sa kalsada ang motorsiklo ni Abad na sinasabing lango sa alak na kaangkas ang dalawang kaibigan kaya nasalpok ng pick-up ni Greg Albino, 37, sales supervisor sa nasabing lungsod.

 

vuukle comment

ABAD

BARANGAY ROSARIO

CHRISTINE DELILA CARUB

CLYDE DAYADON

GREG ALBINO

MT. PROVINCE

PARACELIS

PATUL ROAD

RODERICK ABAD

SANTIAGO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with