^

Probinsiya

Grade 3 pupil na nawawala, ni-rape slay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginahasa muna bago brutal na pinatay ang 11-anyos na Grade III pupil ng 25-anyos na pedicab driver na may dalawang linggo ng nawawala sa bayan ng Los Baños, Laguna.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Pascual Muñoz Jr., Laguna PNP director ang biktima na si Mary Grace Esguerra na nawawala simula pa noong Biyernes ng gabi (Marso 1).

Ang biktima ay sinasabing vendor ng mani sa University of the Philippines –Los Baños at nakatira sa Gawad Kalinga Housing Project sa Barangay Puthong Tuntungin sa nasa­bing bayan.

Samantala, kinilala ng pulisya ang suspek si Henry Hipolito na sinakyan ng biktima noong gabi ng Marso 1 kung saan ito nawala.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, noong Huwebes  ng hapon, natagpuan ang naagnas na bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Villa Caringal Subdivision sa bahagi ng Brgy. Putho Tuntungin matapos na ituro ng suspek na umamin sa krimen.

Lumilitaw na ini-report ng suspek sa himpilan ng pulisya ang pagkakadiskubre niya sa bangkay ng biktima matapos na mapagawi sa nabanggit na lugar upang  jumingle.

Dahil sa kadudadudang pahayag ng suspek ay isinailalim ito sa masusing imbestigasyon hanggang sa aminin nito ang brutal na pagpatay sa bata.

Kasunod nito, isasalang sa drug test ang suspek upang alamin kung naka-droga ito ng isagawa ang krimen.

Pinaghahanap din ng pulisya ang isa pang lalaking sakay din sa pedicab ng gabing maganap ang krimen. 

 

vuukle comment

BARANGAY PUTHONG TUNTUNGIN

CAMP CRAME

GAWAD KALINGA HOUSING PROJECT

HENRY HIPOLITO

LOS BA

MARSO

MARY GRACE ESGUERRA

PASCUAL MU

PUTHO TUNTUNGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with