^

Probinsiya

Jeepney hulog sa bangin: 13 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines   - Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng 13-magkakamag-anak makaraang mahulog ang kanilang jeepney sa malalim na bangin sa Barangay Silangang Ma­licboy, bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Jane County Hospital ang mga biktimang sina June Hernandez, Nerissa, Rico, Marie, Alex, Daisy, Mayra, Hazel, Michael na pawang may  mga apelyidong Juntado, Solomon Arcangel, Edgar Ngoso, Jovy Bituin at si John Rae Hernandez na pawang nakatira sa San Pedro City, Laguna. Ayon kay PO3 Allan Falqueza, nagbakasyon sa bayan ng Tagkawayan ,Quezon ang mga biktima kung saan pauwi na sa Laguna sakay ng jeepney (TVF-639) ni Christopher Boral nang mawalan ng preno pagsapit sa old zigzag road. Dito na nagpa-ekis-ekis ang sasakyan bago bumulusok sa bangin na may 20-talampakang lalim.

 

vuukle comment

ALLAN FALQUEZA

BARANGAY SILANGANG MA

CHRISTOPHER BORAL

EDGAR NGOSO

JANE COUNTY HOSPITAL

JOHN RAE HERNANDEZ

JOVY BITUIN

JUNE HERNANDEZ

QUEZON

SAN PEDRO CITY

SOLOMON ARCANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with