^

Probinsiya

Bus nadisgrasya, 1 utas, 4 grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang apat na katao makaraang aksidenteng sumalpok sa isang bahay sa tabi ng highway na sa kamalasan ay mahulog pa sa isang malalim na bangin sa Brgy. Poblacion, Alfonso Lista, Ifugao kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Conchita Peralta, may ari ng bahay na aksidenteng inararo ng bus habang nasa pa­gamutan ngayon sina Kenept Ogas,Daniel Dangiulan, Jane Bagtang at Grace Dontogan.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),naganap ang aksidente dakong alas- 5:45 ng umaga kamakalawa kung saan binabagtas ng isang Potia Bus Liner na minamaneho ni Edmund Chummac, 32 anyos, ang kahabaan ng  national highway ng Brgy Poblacion, Ifugao .

Nawalan ng  kontrol sa manibela ang driver at aksidenteng sumalpok ito sa isang bahay sa tabing kalsada bago tuluyang nahulog sa may 200 metrong lalim na bangin sa tabi ng highway.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito.

vuukle comment

ALFONSO LISTA

BRGY POBLACION

CONCHITA PERALTA

DANIEL DANGIULAN

EDMUND CHUMMAC

GRACE DONTOGAN

IFUGAO

JANE BAGTANG

KENEPT OGAS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with