^

Probinsiya

Pulis-Camp Crame, 2 pa tiklo sa panunutok ng baril

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng tatlo-katao kabilang ang 42-anyos na pulis-Crame matapos arestuhin ng mga awtoridad sa kasong pagwawala at panunutok ng baril sa apat na sibilyan sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina PO3 Salvador Dela Cruz ng Criminal Investigation and Detection Group-Camp Crame; Joey Esponilla, 39; at ang live-in partner ng pulis na si Roselina Masong, 47, pawang nakatira sa Northgate Executive Village sa nabanggit na lungsod.

Kinilala naman ang mga biktima na sina Judith Mercado, 31; Cesar Batarao, 39; Ma. Luz de Luna 36; at si Harold Guevarra, 43.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel Estaris, hepe ng San Jose Del Monte City PNP,  ganap na alas-7 ng gabi nang magwala at mag-ingay ang mga suspek habang lulan ng kotse.

Nabulabog naman ang mga residente kung saan nilapitan naman ng mga biktima ang kotse ng mga suspek upang usisain su­balit sinalubong sila ni PO3 Dela Cruz at tinutukan ng baril habang si Esponilala naman na hawak ang screw driver.

Kaagad naman rumes­ponde ang pulisya upang arestuhin ang dalawa su­balit hinarang sila ng ka-live-in ng pulis kung saan napilitang dakpin din ito. 

Sa beripikasyon ng pulisya, sinasabing si PO3 Dela Cruz ay may naka­binbing din kasong kriminal noong Oktubre 1, 2012 kung saan 10-katao ang naging biktima nito.

BARANGAY STO

CESAR BATARAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-CAMP CRAME

DELA CRUZ

HAROLD GUEVARRA

JOEL ESTARIS

JOEY ESPONILLA

JUDITH MERCADO

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with