^

Probinsiya

Lider ng Bayan Muna itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinumba ang babaeng lider ng militanteng grupong Bayan Muna matapos na pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Binondo, bayan ng Baganga, Davao Oriental noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Barangay Kagawad Cristina Jose, miyembro ng Barug Katawhan na organisasyon ng mga biktima ng bagyong Pablo na  bumabatikos sa lokal na ahensiya sa pagkaantala ng mga relief goods.

Sa ulat ng Davao Oriental PNP na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-6 ng gabi nang lapitan at ratratin ang biktima matapos itong dumalo sa pagpupulong ng kanilang grupo sa nasabing barangay.

Nabatid na ang grupo ni Jose ay kabilang sa mga raliyistang rumansak sa bo­dega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Davao City.

kahun-kahong relief goods ang naipuslit ng mga nagsipagprotesta bago pa man dumating ang mga operatiba ng pulisya noong nakalipas na linggo.

Magugunita na aabot sa halos 2,000 ang nasawi at nawawala sa matinding delubyo ng bagyong Pablo noong Disyembre 2012.

 

BAGANGA

BARANGAY BINONDO

BARANGAY KAGAWAD CRISTINA JOSE

BARUG KATAWHAN

BAYAN MUNA

CAMP CRAME

DAVAO CITY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with