^

Probinsiya

Anak ng vice mayor nagbaril sa ulo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasalubong kay kamatayan ang 25-anyos na anak na babae ng vice mayor matapos itong magbaril sa sarili sa boarding house sa Barangay Balian, bayan ng Pangil, Laguna noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jo Anne Dioces Reyes, assistant registrar sa Laguna Maritime Arts and Business College at panganay na anak ni Pangil Vice Mayor Jovit Reyes.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Pascual Munoz Jr. na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa silid na tinutuluyan ng biktima sa boarding house ng nasabing kolehiyo.

Ayon sa imbestigasyon, huling namataang buhay ang biktima ng kaniyang nakababatang kapatid na si Joyvette Reyes dakong alas-3 ng hapon na umiiyak at nagkulong sa silid.

Pansamantalang umalis si Joyvette at nagtungo sa kaniyang classroom kung saan pagbalik nito ay sarado ang silid ng kaniyang kapatid at ayaw siyang pagbuksan.

Kinutuban naman ng masama si Joyvette kaya hiningi ang tulong ng maintenance boy na si Gilberto Anievas para buksan ang silid kung saan dito na bumulaga ang bangkay ng kaniyang ate sa ibabaw ng kama na may tama ng bala sa ulo.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang revolver na ginamit nito sa pagpapatiwakal habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

BARANGAY BALIAN

CAMP CRAME

GILBERTO ANIEVAS

JO ANNE DIOCES REYES

JOYVETTE

JOYVETTE REYES

LAGUNA MARITIME ARTS AND BUSINESS COLLEGE

PANGIL VICE MAYOR JOVIT REYES

PASCUAL MUNOZ JR.

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with