^

Probinsiya

Malupit na amo utas sa suwag ng alagang kalabaw

Raymund Catidnig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang dahilan sa pagmamalupit, patay ang isang magsasaka matapos suwagin ng umalma nitong alagang kalabaw sa mala­gim na insidente sa Paoay, Ilocos Norte kamakalawa.

Sa ulat na nakalap sa Provincial Veterinary Office, kinilala ang biktima na si Ronaldo Abuy, residente ng Brgy.8 sa bayang ito.

Si Abuy ay binawian ng buhay sa insidente matapos na halos madurog ang atay sa tindi ng pagkakasuwag ng kaniyang alagang kalabaw.

Sinasabing pinagmamalupitan umano ni Abuy ang alagang hayop na madalas pang masaksihan ng mga kapitbahay nito.

Kasalukuyan umanong hinahagupit ng biktima ang kaniyang kalabaw  nang bigla itong magwala.

Nanlisik umano ang mata ng kalabaw saka bigla na lamang sinuwag ang biktima na nasapul sa kaniyang atay.

Sa pahayag naman ni Provincial Veterenarian, Dr. Loida Valenzuela, sinabi nito na hindi mananakit ang mga alagang hayop dahilan sa marunong ang mga itong kumilala ng kanilang mga amo maliban na lamang kung sobra na ang pananakit sa mga ito.

 

vuukle comment

ABUY

BRGY

DR. LOIDA VALENZUELA

ILOCOS NORTE

KASALUKUYAN

PROVINCIAL VETERENARIAN

PROVINCIAL VETERINARY OFFICE

RONALDO ABUY

SI ABUY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with