^

Probinsiya

Apo hinostage ng lolo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Dahil sa pagdaramdam na hindi nabigyan ng pambili ng alak, nagawang i-hostage ng 64-anyos na lolo ang kanyang apong babaeng sa Barangay Mabusag, bayan ng Badoc, Ilocos Norte kamakalawa.


Kinilala ni P/Insp. Laurel Gayya, deputy chief ng Badoc PNP ang suspek na si Jojo Aganon. 


Lumalabas sa imbestigasyon na nagdamdam ang suspek nang tanggihan siyang bigyan ng P300 ng kanyang misis na paglalako ng gulay sa palengke.


Nabatid na hinablot ng suspek ang apo at tinutukan ng kutsilyo kung saan tumagal ng isang oras ang negosasyon ng pulisya.

Gayon pa man, nakalusot sa loob ng bahay ang ilang pulis kung saan nabawi at nailigtas naman sa suspek ang kanyang apo.

vuukle comment

BADOC

BARANGAY MABUSAG

DAHIL

GAYON

ILOCOS NORTE

JOJO AGANON

KINILALA

LAUREL GAYYA

LUMALABAS

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with