Mister nagbigti dahil sa sakit
QUEZON , Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 54-anyos na mister matapos itong magbigti dahil sa matinding sakit sa katawan kamakalawa ng gabi sa Barangay Camohaguin sa bayan ng Gumaca, Quezon. Bandang alas-8 ng gabi ay naÂtagpuan ang bangkay ni Luis Angolo na nakabitin sa loob ng kanilang bahay. Ayon kay PO3 Reynan Luminario, bago mag-suicide ay sinasabi ng biktima sa kanyang asawa na magpapakamatay na lamang siya dahil hindi na matagalan ang nararamdamang sakit sa katawan. Hindi naman pinansin ng asawa ang mga sinabi ng biktima sa pag-aakalang nagbibiro lamang ito subalit nagulat na lamang sila nang matagpuang nakabitin ito.
- Latest


















