^

Probinsiya

Sanggol na Fil-Canadian, yaya kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang taong gulang na sanggol na Fil-Canadian  at yaya nito sa bisinidad ng Rosario Homes sa Barangay Dao, Pagadian City, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.

Sa phone interview, kinilala ni P/Supt. Julius Muñez, hepe ng Pagadian City PNP ang mga biktima na sina Timothy Sokolob, at Caroline Remetre, yaya ni Sokolob.

Bandang alas-6:30 ng umaga ng maganap ang pagdukot sa sanggol at yaya nito sa bisinidad ng Rosario Homes, Dao, Pagadian City .

Base sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang pinalalakad ng yaya  si Timonthy nang biglang may sumulpot na sasakyan.

Isa sa mga kidnaper ang bumaba sa behikulo at sinunggaban ang magyaya na puwersahang isinakay sa getaway vehicle saka tumahak patungo sa hindi pa malamang destinasyon.   

Tumanggi naman ang opisyal na ibigay ang deskripsyon ng getaway vehicle ng mga kidnaper dahil sa isinasagawang follow-up operations ng pulisya.

Kinumpirma naman ni Muñez  na ilang oras matapos ang insidente ay tumawag na ang mga kidnaper sa pamilya Sokolob kung saan humihingi ng P 50 milyon ransom kapalit ng kalayaan ng mga biktima.

Pansamantalang hindi muna ibinigay ni Muñez ang detalye ang nasa likod ng kidnapping dahil patuloy pa ang inilatag na operasyon para mabawi ang magyaya.

 

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY DAO

CAROLINE REMETRE

JULIUS MU

PAGADIAN CITY

ROSARIO HOMES

SOKOLOB

TIMOTHY SOKOLOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with