^

Probinsiya

Mag-utol todas sa bus

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

NUEVA VIZCAYA, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang mag-utol na lalaki matapos salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Buenavista sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya noong Sabado ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mag-utol na si Jayson Frogozo, 19; at Joel Frogozo, 16, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver ng Florida Bus na si Max Mateo ng Gonzaga, Cagayan. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Gerald Gamboa, hepe ng PNP Bayombong, papauwi ang magkapatid nang salpukin  ng bus (PYA134) ang likuran ng kanilang motorsiklo. Sumabit pa ang motorsiklo kaya pumailalim  sa bus ang mag-utol kung saan nakaladkad pa ng may 27-metro ang layo.

vuukle comment

BARANGAY BUENAVISTA

BAYOMBONG

CHIEF INSP

FLORIDA BUS

GERALD GAMBOA

GONZAGA

JAYSON FROGOZO

JOEL FROGOZO

MAX MATEO

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with