^

Probinsiya

11 kawani positibo sa droga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nagpositibo sa bawal na droga ang 11 kawani ng Kapitolyo ng probinsiya ng Cagayan batay sa isinagawang random testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Miyerkules.

Ayon kay PDEA Regional Officer Juvenal Azurin, dadaan pa rin sa confirmatory testing ang 11 kawani bago ito tuluyang patawan ng kaukulang parusa ni Governor Alvaro Antonio. Sinabi ni Gov. Antonio na tatanggalin niya sa serbisyo ang sinumang magpositibo sa paggamit ng droga sa kanyang 1,500 kawani at opisyal.

Matatandaan na nakipag-ugnayan si Gov. Antonio sa pamunuan ng PDEA  para magsagawa ng random testing sa kanyang mga tauhan matapos mabalitaan na ilan sa mga ito ay naging pasaway sa pulisya dahil sa pagkakasangkot sa paggamit at pagtutulak ng bawal na droga.

Noong nakaraang taon, dalawang provincial guards ang nadakma ng pulisya dahil sa pagtutulak ng droga.

AYON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GOVERNOR ALVARO ANTONIO

KAPITOLYO

MATATANDAAN

MIYERKULES

NAGPOSITIBO

NOONG

REGIONAL OFFICER JUVENAL AZURIN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with