^

Probinsiya

Boy Scout, 4 pa todas sa road mishap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima katao kabilang ang isang boy scout ang nasawi habang anim pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na sakuna sa lansangan sa lalawigan ng Ifugao, Iloilo at Albay kamakalawa.

Sa ulat ng Ifugao Police, nasawi noon din ang 13 anyos na boy scout na si Lawrence Digao matapos na mahulog ang sinasakyan ng mga itong jeepney na patungo sana sa tatlong araw na Boy Scout Jamboree sa bayan ng Aguinaldo ng lalawigan.

Nasugatan naman sa insidente ang mga kasamahan nitong sina Shariff Bangalan, Richard Domangeng,  guro na si Evelyn Manghi at driver na si Ronald  Bongalan; pawang delegasyon ng Kiangan, Ifugao sa nasabing Jamboree na sinimulang ganapin noong Enero 31 at

tatagal hanggang ngayong araw.

Samantala, iniulat naman ni Iloilo Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Gil Blando Lebin Jr. ang aksidenteng pagsalpok ng isang motorsiklo sa isang 10 wheeler truck na nagkaaberya sa tabi ng highway sa Brgy. Libo-o, Dingle , Iloilo kamakalawa dakong alas-12:05 ng

madaling-araw.

Ayon kay Lebin, dead-on-the-spot sa insidente si Master Sergeant Joselito Majaducon, nakatalaga sa Army’s 552nd Engineering Brigade at idineklara namang dead-on-arrival sa Pototan Provincial Hospital ang backrider nitong si Lenie Pasamanero, 23-anyos.

Sa isa pang insidente, patay rin ang dalawang driver ng motorsiklong nagsalpukan sa national road ng Brgy. Tambo, Ligao City, Albay bandang alas-6 ng gabi kamakalawa.Ang mga ito ay nakilalang sina Allan Revilla, 35-anyos at nakabangganang si Gilbert Maristela, 44.

Nasugatan naman sa insidente sina Rolan, 12; at Artemio Revilla, 55; kapwa isinugod sa pagamutan. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang mga banggaan ng behikulo. Raymund Catindig / Francis Elevado

 

vuukle comment

ALBAY

ALLAN REVILLA

ARTEMIO REVILLA

BOY SCOUT JAMBOREE

BRGY

ENGINEERING BRIGADE

EVELYN MANGHI

FRANCIS ELEVADO

GIL BLANDO LEBIN JR.

GILBERT MARISTELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with