^

Probinsiya

Ama kinatay ng barumbadong anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na ka­matayan ng isang ama matapos itong pagsasaksakin  ng  barumbado nitong anak nang sitahin sa pakikipagbasag-ulo sa Brgy. Looc, Duma­guete City, Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang  biktima na si Rudolfo Catadman,  nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinamatay.

 Arestado naman ang suspek na si Boy Catadman na inatake rin ang mga pinsang sina Diesel at Diosolde Catadman na kapwa bahagyang nasugatan nang tangkaing awatin ang pasaway na kaanak.

 Sa ulat ng Negros Oriental­ Police, bandang alas-7 ng gabi noong Huwebes ng mag­karoon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ama ng sitahin ng matandang Catadman ang barumbadong anak na nakipagsuntukan na naman sa kanilang lugar.

 Nairita umano ang suspek na agad isinalya saka inundayan ng saksak ang sariling ama na bagaman nakatakbo ay hinabol at tuluyang tinapos ang buhay.

vuukle comment

ARESTADO

BOY CATADMAN

BRGY

CATADMAN

DIOSOLDE CATADMAN

HUWEBES

NEGROS ORIENTAL

RUDOLFO CATADMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with