^

Probinsiya

Bangka lumubog: 1 patay, 22 pa nasagip

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines — Isang 18 anyos na dalaga ang nasawi  habang 22 namang mga  pasahero  ang nailigtas ng mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na lumubog ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong bangka ng hampasin ng malalaking alon sa karagatan ng Brgy. San Rafael, Pilar, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Rosemarie Rebusora, 18 , idineklarang dead-on-arrival sa Donsol District Hospital.

Bandang alas-2 ng hapon ng lumubog ang bangkang sinasakyan ng 23 katao na pinatatakbo ng bangkerong si Manuel Arca Jr.

Napag-alaman na ang naturang bangka na galing sa Barangay Dapdap at patunggo na sa Pilar Port ng paghahampasin ng malakas na alon hanggang sa pumasok sa bangka bunsod upang lumubog ito.

Nagresponde naman ang mga tauhan ng PCG matapos na matanggap ang distress call kung saan nasagip ang 22 pasahero habang minalas namang masawi sa insidente si Rebusora. Sinabi pa sa ulat na ang katawan ni Rebusora ay natagpuang lumulutang di kalayuan sa kinalubugan ng bangka . Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kasong ito.

 

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY DAPDAP

BRGY

DONSOL DISTRICT HOSPITAL

MANUEL ARCA JR.

PHILIPPINE COAST GUARD

PILAR PORT

REBUSORA

ROSEMARIE REBUSORA

SAN RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with