Mister inutas, hinulog sa balon
CAVITE, Philippines – Napaslang ang 49-anyos na mister matapos saksakin ng di-kilalang lalaki saka hinulog sa balon sa Sitio Malabon, Barangay Salawag sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng
biktimang si Mariano Merculita ng Phase 1, Malipay, Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa kanyang kaibigan kung saan hindi na nakauwi. Pansamantalang hindi muna isiniwalat ang
pagkakakilanlan ng suspek habang isinasagawa ang follow-up operation.
- Latest

















