Mister dinedo sa harap ng misis
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napatay ang 52-anyos na mister matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa harap ng kanyang asawa habang lulan ng tractor trailer sa bahagi ng Barangay Lucban, Abulug, Cagayan noong Huwebes. Nabagok pa ang ulo matapos
tumilapon ang biktimang si Angel Marafutu ng Barangay San Agustin sa nasabing bayan. Lumalabas sa imbestigasÂyon na sinabayan ng riding-in-tandem assassins ang mag-asawang sakay ng tractor kung saan pinaputukan ng shotgun ang biktima. Naisugod pa sa ospital
ng biktima subalit idineklarang patay habang patuloy ang pagsisiyasat.
- Latest

















