^

Probinsiya

2 kawatan ng bike, tiklo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang kalalakihan na sinasabing notoryus na kawatan ng motorsiklo matapos madakma ng pulisya sa inilatag na operasyon sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Vincent Silvestre ng Brgy. Poblacion; at Melvin Mendoza ng Brgy. Pulong Palasan sa bayan ng Candaba, Pampanga habang tinutugis naman ang isa pang suspek na si Mel Angelo Mendoza. Sa imbestigasyon ng pulisya, nasakote ang mga suspek matapos ireklamo ng biktimang si Jhun Zenn Diamante kaugnay sa kanyang motorsiklo na sinikwat sa Brgy. Poblacion, Baliwag. Sa tala ng pulisya ang grupo ng mga suspek ay pinaniniwalaang sumikwat ng mga motorsiklo nina Pricillano Narciso at Eugenio Albao sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.

 

BALIWAG

BRGY

BULACAN

CANDABA

EUGENIO ALBAO

JHUN ZENN DIAMANTE

MEL ANGELO MENDOZA

MELVIN MENDOZA

PRICILLANO NARCISO

PULONG PALASAN

VINCENT SILVESTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with