^

Probinsiya

Ama isinama ang anak sa kamatayan

The Phil. Star News Service - Pilipino Star Ngayon

KORONADAL CITY, Philippines  â€“ Matinding problema sa pamilya ang isa sa motibo kaya pinasabog ng 36-anyos na ama ang sarili kasama ang kanyang anak na babae sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Sulit sa bayan ng Polomolok, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang mag-amang nagkagutay-gutay ang katawan na sina Charlie Mantilla, trike driver; at Denden Mantilla,11, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, bago umalingawngaw ang malakas na pagsabog, sinilaban ni Charlie ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kanilang bahay.

Ayon sa mga residente, ilang minuto ang nakalipas ay nagmamadaling tinungo ni Charlie ang kusina kasama ang kanyang anak na babae bago pinasabog ang hawak na granada.

Natagpuan ng mga pulis ang nagkalat na iba’t ibang bahagi ng katawan ng mag-ama sa loob ng bahay.

Napag-alaman sa ulat na ang misis ni Charlie na isang overseas Filipino worker sa Middle East ay nakatakdang umuwi ngayong buwan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SULIT

CHARLIE MANTILLA

DENDEN MANTILLA

KINILALA

MATINDING

MIDDLE EAST

NAPAG

NATAGPUAN

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with