Kawani ng minahan itinumba
MANILA, Philippines - Napatay ang 32-anyos na kawani ng minahan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay San Andres sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ng mga bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Edilmero Peñera, kawani ng PHILSAGA Mining Corp. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Martin Gamba, spokesman ng Caraga PNP, nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin ng motorcycle-riding gunmen pagsapit sa nabanggit na lugar. Sumemplang ang motorsiklo ng biktima kung saan hindi pa nakuntento ay muli itong nilapitan at pinaputukan upang tiyakin na patay ang target. Narekober sa crime scene ang apat na cartridge at mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest