^

Probinsiya

2 todas sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang apat pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang motorsiklo at kasalubong nitong pampasaherong van kamakalawa ng gabi sa bayan ng Alicia, Isabela.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bonifacio Dalit, 17 at Kenneth Goton, 14; pawang residente ng Brgy. Burgos, Alicia.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang sina  Harry Dela Cruz, 34, driver  ng van; mga pasahero nitong sina Gilva Marites, 29; Ernesto Manaligod, 31 at Rodel Dionisio, 30.

 Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-7 ng gabi ng maganap ang banggaan sa hangganan ng Brgy. Antonio at Brgy. San Fernando sa bayang ito.

Kasalukuyang patungo ang van sa Santiago City nang aksidente itong bumangga sa kasalubong na motorsiklo kung saan sa lakas ng pagkakabangga ay nasawi ang dalawang biktima. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa kasong ito.

ALICIA

BONIFACIO DALIT

BRGY

CAMP CRAME

ERNESTO MANALIGOD

GILVA MARITES

HARRY DELA CRUZ

KENNETH GOTON

RODEL DIONISIO

SAN FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with