^

Probinsiya

Inakalang alak… Senglot tinoma ang lason, todas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Philippines – Maagap na sinalubong ni kamatayan ang senglot na magsasaka matapos nitong inumin ang makamandag na lason sa kuto na nakalagay sa bote na napagkamalan niyang alak sa Barangay Salindeg sa bayan ng Vigan, Ilocos Sur kamakalawa.

Nalagutan ng hininga ang biktimang si Jim Avila sa Gabriela Silang General Hospital sa Vigan City. Lumilitaw na nakipag-i­numan si Avila sa kanyang mga kaibigan sa kabilang ibayo kung saan umuwing pa­suray-suray dahil sa kalasingan.

Ayon sa mga nakasaksi, nagsisigaw at naghahanap ng alak ang biktima kaya naghalughog ito sa kanilang bahay.

Dito na namataan ng biktima ang bote na naglalaman ng likido na napagkamalan niyang alak kaya kaagad na tinungga.

Ilang segundo lamang matapos laklakin ang lason na nasa bote na inakalang alak ay naglulundag ito ay lumagapak sa sahig ng kanilang bahay kung saan naisugod pa sa nasabing ospital subalit masyadong mabilis si kamatayan.

vuukle comment

AVILA

AYON

BARANGAY SALINDEG

DITO

GABRIELA SILANG GENERAL HOSPITAL

ILANG

ILOCOS SUR

JIM AVILA

VIGAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with