^

Probinsiya

Gun ban: Mag-asawang negosyante itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi umubra ang pagpapatupad ng gun ban matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin ang isang mag-asawang negosyante sa naganap na karaha­san sa Sagay City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Amelita, 45 at Ronilo Pacheo, 44 taong gulang; kapwa dead on the spot sa insidente sa tinamong mga tama ng bala ng cal 9 MM pistol.

Ang mag-asawa ay nagmamay-ari ng isang sikat na vi­deoke at sari-sari store sa kanilang lugar.

Sa ulat ni Chief Inspector Gabriel Gutierrez, hepe ng Sagay City Police, naganap ang karahasan dakong alas-8 ng gabi sa tahanan ng mag-asawa sa Brgy. Bato ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nasa labas ng kanilang tahanan ang mag-asawa ng bigla na lamang sumulpot ang mga armadong salarin at pagbabarilin ang mga ito.

Sinabi ng mga kapitbahay ng mag-asawa na nagawa pang makatakbo sa loob ng kanilang tahanan ng mga biktima pero sinundan pa ang mga ito ng armadong salarin at tuluyang tinapos.

Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng cal. 9 MM pistol.

Pinaniniwalaan namang isang lumang alitan ang motibo ng pamamaslang sa mag-asawa na nangyari sa kasagsagan ng pagpapatupad sa election gunban ng Comelec kaugnay ng gaganaping mid term elections sa Mayo ng taong ito.

AMELITA

AYON

BATO

CHIEF INSPECTOR GABRIEL GUTIERREZ

NEGROS OCCIDENTAL

RONILO PACHEO

SAGAY CITY

SAGAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with