^

Probinsiya

Community clinic vs STD itinayo

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

ZAMBALES, Philippines - Upang maiwasan ang pagkahawa ng sakit na sexually transmitted disease (STD) sa mga kababaihan, itinayo ang community clinic na ginawang healthcare and wellness center sa bayan ng Subic, Zambales. Sa pakikipag-ugnayan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang Subic, itinatag ng Redondo Peninsula Energy Inc. ang Usapang Babae Health and Wellness Hub sa Barangay Calapandayan. Ayon kay project manager Grant Smith, isang  oportunidad para sa mga kababaihan na namamasukan sa iba’t ibang night club sa nasabing bayan ang libreng gram staining at pap smear test. Ilulunsad din ang regular na seminar activities sa cervical cancer awareness and basic reproductive health consciousness. Kasunod nito, itinatag din ang Subic Municipal Health Office at ang Presidential Council on Women sa pagpapatakbo ng wellness hub facility kung saan maglalaan din ng mga makabagong medical na kagamitan.

AYON

BARANGAY CALAPANDAYAN

GRANT SMITH

ILULUNSAD

KASUNOD

PRESIDENTIAL COUNCIL

REDONDO PENINSULA ENERGY INC

SUBIC

SUBIC MUNICIPAL HEALTH OFFICE

USAPANG BABAE HEALTH AND WELLNESS HUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with