^

Probinsiya

Binata dedo sa pagsagip sa Hapones

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang 21-anyos na binata matapos nitong sagipin ang nalulunod na  pinsan at   Hapones  sa malalim na bahagi ng ilog sa Barangay Lopez Jaena sa bayan ng Murcia, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Johnrey Mendoza ng Regent Pearl Homes Subdivision sa Brgy. Alijis , Bacolod City.

Ang dalawang nailigtas ni Mendoza ay nakilala namang sina Ryo Ji Ywasaki, 53, ang mister ng tiyahin ng biktima; at pinsan nitong si Kimberly Mendoza , 24.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Bago River na matatagpuan sa nasabing lugar bandang alas-9 ng umaga.

Lumilitaw na nag-picnic ang mga biktima sa Bago River dahil paalis na ang tiyahin nina Mendoza at ang mister nitong Hapones na pabalik na sa Japan.

Napagawi sa malalim na bahagi ng ilog sa labas ng resort ang Hapones kung saan nalunod ito na tinangkang sagipin ni Kimberly pero kapwa nalunod ang mga ito.

Sumaklolo naman si Johnrey at isa pang pinsang si Eli­gel Alegada pero pinalad na masawi ang biktima habang matagumpay namang nailigtas ang dalawa.

 

vuukle comment

BACOLOD CITY

BAGO RIVER

BARANGAY LOPEZ JAENA

CAMP CRAME

HAPONES

JOHNREY MENDOZA

KIMBERLY MENDOZA

MENDOZA

NEGROS OCCIDENTAL

REGENT PEARL HOMES SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with