^

Probinsiya

Misis dedo, 3 grabe sa road mishap

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 35-anyos na misis habang malubhang nasugatan ang kanyang anak at dalawang iba pa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Purok 2, Barangay Magang sa bayan ng Daet, Camarines Norte noong Lunes ng gabi.

Hindi na nagawang maisalba ng Leon Hernandez Memorial Hospital ang buhay ni Maria Shiela Roberts ng Poblacion 1, Basud, Camarines Norte at staff ni Basud Mayor Jun Davocol. 

Samantala, malubha namang nasugatan ang kanyang anak na lalaki na si Justin Nicholas, 14 at dalawang nakasalpukang sina Rodel Ibasco, 34, ng Brgy. Parang, Jose Pa­nganiban at Raffy Dacillo 22, ng Mercedes at kapwa minero.

Nabatid na lulan ng motorsiklong ang mag-ina patungo sa bahagi ng Greenview Subd. sa Brgy. Camambugan para ipagdiwang ang Bagong Taon  nang makasalpukan ang  motorsiklo ng dalawang minero.

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY MAGANG

BASUD MAYOR JUN DAVOCOL

BRGY

CAMARINES NORTE

GREENVIEW SUBD

JOSE PA

JUSTIN NICHOLAS

LEON HERNANDEZ MEMORIAL HOSPITAL

MARIA SHIELA ROBERTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with