^

Probinsiya

Truck vs 4 sasakyan: 5 dedo, 19 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima-katao ang iniulat na nasawi habang 19 iba pa ang nasugatan matapos na salpukin ng 10-wheeler truck ang apat na sasakyan sa Caga­yan de Oro City, ayon sa ulat kahapon ng National Disas­ter Risk Reduction and Management Council.

Kabilang sa mga nama­tay ay sina Hardylyn Placencia, Apolinario Ubial, 39; Reuben Ukay, 24; Paulo Canduli, 24; at si Rey Ragulasyun, 41.

Sugatan naman sina Alexander Pialagao, Mona Pangcatan, Pacita Aguilar, Virginia Uypala, Millyn Rose Abello, Flordeliza Aninao, Janet Jumangin, Catalina Cajera, Maria Lisa Catalan, Rufo Abruqueno, Paaran Ramilas at iba pa.

Naganap ang insidente bandang alas-6 ng gabi sa bahagi ng Barangay Puerto sa Cagayan de Oro City noong Linggo kaugnay ng paghahanda ng mga biktima sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Lumilitaw na binangga ng truck ang kasalubong na pampasaherong jeepney kung saan nadamay ang iba pang sasakyan tulad ng van, sports utility vehicle (SUV) at motorsiklo.

Nabatid na ang truck ay patungo sana sa Brgy. Puerto Proper nang mawalan ng control sa manibela ang driver kaya naganap ang trahedya.

ALEXANDER PIALAGAO

APOLINARIO UBIAL

BAGONG TAON

BARANGAY PUERTO

CATALINA CAJERA

FLORDELIZA ANINAO

HARDYLYN PLACENCIA

JANET JUMANGIN

MARIA LISA CATALAN

ORO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with