^

Probinsiya

4th year hayskul kinatay ng magnanakaw

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng 17-anyos na 4th year high school student makaraang pagtulungang pagtatagain ng tatlong magnanakaw ng prutas sa Barangay Nabungsuran sa bayan ng Aroroy, Masbate kama­kalawa ng hapon.

Bandang alas-2 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Ralph Errol Cabarles ng Aroroy National High School at nakatira sa nasabing barangay.

Saman tala, sa follow-up operation ng pulisya ay naaresto naman ang mga suspek na sina Levy Madrilejos, 41; Arne­l Cha­vez, 27; at si Joel Handumon, 27, pawang nakatira sa Barangay Kinamaligan, Masbate City.

Sa ulat ng pulisya, lumi­litaw na naaktuhan ng biktima ang pagnanakaw ng mga suspek sa tindahan ng prutas  hinabol nila saka kinalad­kad sa liblib na bahagi­ ng nasabing lugar.

Matapos paslangin ang biktima ay inabandona ito ng mga suspek kung saan lingid sa kanila ay may nakasaksi sa ginawa nilang krimen.

Natunton naman ang pinagkukutaan ng mga suspek sa tulong na rin ng impormante kung saan hindi na nakapalag sa pang­kat ng pulisya.

 

AROROY

AROROY NATIONAL HIGH SCHOOL

BARANGAY KINAMALIGAN

BARANGAY NABUNGSURAN

JOEL HANDUMON

LEGAZPI CITY

LEVY MADRILEJOS

MASBATE CITY

RALPH ERROL CABARLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with