^

Probinsiya

Trader itinumba ng tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BOCAUE, Bulacan , Philippines – Napaaga ang salubong ni kamata­yan sa isang 34 anyos na negosyante makaraang tambangan ito ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa kahabaan ng highway sa bayang ito kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa St Paul Hospital ang biktimang kinilalang si Leo Luwalhati, residente ng Brgy. Bunducan sa bayang ito habang tumakas agad ang mga suspek na kinilala sina Ruperto “Boy Linda” Victoria at isang alyas Boy Hapon na residente rin sa naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ni P02 Ricky Baluyot, dakong alas-10:30 ng umaga ay umalis ang biktima mula sa kanyang bahay na lulan ng pag-aaring Honda CRV (WRX - 377) patungo sa hindi nabatid na destinasyon at ilang metro pa lamang nakalalayo sa kaniyang tahanan ay hinarang ng mga suspek.

Nang huminto ang biktima at inaakalang kakausapin lamang siya ng mga suspek ay agad na binunot ni Victoria ang isang .45 kalibre ng baril saka pinaputukan  ng pitong beses ang biktima na duguang bumulagta sa insidente.

Samantalang parang walang anuman na naglakad lamang ang mga suspek sa madamong bahagi ng lugar bitbit ang armas na ginamit sa krimen. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

 

vuukle comment

BOY HAPON

BOY LINDA

BRGY

BULACAN

BUNDUCAN

IDINEKLARANG

ISINASAILALIM

LEO LUWALHATI

RICKY BALUYOT

ST PAUL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with