^

Probinsiya

2 binatilyo sugatan sa explosion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang binatilyo ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng sumabog ang pinaglaruan ng mga itong eksplosibo, kamakalawa sa bayan ng Ivisan, Capiz.

 Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang mga nasugatang biktima na sina Jhon Rey Deyan, 12 at Jerry Boy Valderama, 12,  kapwa residente ng Brgy. Ilaya sa bayang ito.

 Bandang alas-10:15 ng umaga ng mangyari ang pagsabog sa bisinidad ng tahanan ni Norie Deyan, ina ng isa sa mga biktima. 

Ayon sa imbestigasyon, bago ang insidente ay napulot  ng mga biktima ang isang M203 ammunition na kanilang pinaglaruan. Sa sobrang kalikutan  ay kumuha ang mga ito ng matigas na bakal at pinagpupukpok ang nasabing M203 ammunition upang alamin ang nasa loob nito.

 Kasunod nito, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lugar na malubhang ikinasugat ng dalawang biktima na agad namang isinugod sa Capiz Provincial Hospital.

 Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang kasong ito.

AGRIMERO CRUZ JR.

AYON

CAPIZ PROVINCIAL HOSPITAL

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

JERRY BOY VALDERAMA

JHON REY DEYAN

NORIE DEYAN

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with