^

Probinsiya

Kagawad inutas sa inuman

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nawala ang kalasingan ng mga kainuman ng 53-anyos na barangay kagawad matapos itong ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan sa kanilang tahanan sa Brgy. Bagnos sa bayan ng Aurora, Isabela kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Frank Mabanag, lumilitaw na nakikipag-inuman ang biktimang si Pedencio Domingo sa mga kaibigan sa loob ng kanyang tahanan nang lapitan at ratratin ng mga di-kilalang lalaki. Humalo ang dugo at utak ng biktima sa pulutan habang tulala naman ang mga kainuman nito nang iniwan sila ang gunmen. Noong Lunes, niratrat din ng mga armadong  lalaki ang katiwala ng abugado sa bayan ng Sta. Maria kung saan ay ulo rin ang  pinuntirya.

 

vuukle comment

BAGNOS

BRGY

HUMALO

ISABELA

NAWALA

NOONG LUNES

PEDENCIO DOMINGO

SENIOR FRANK MABANAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with