^

Probinsiya

Mag-asawang matanda ginilitan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang matanda matapos pagsasaksakin ay ginilitan ng leeg ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay San Isidro sa bayan ng Malvar, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Reynaldo Tizon, 70; at Emilia Malaban Tizon, 70, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng Batangas PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-12:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa.

Ayon kay P/Senior Ins­pector Roland Aniwasal, officer-in-charge ng Malvar PNP, walang narekober na anumang patalim sa tahanan ng mag-asawa.

Samantala, naghaha­nap ang pulisya ng mga posibleng testigo sa kapitbahay ng mag-asawa na maaring nakakita sa papatakas na mga suspek mula sa compound.

Wala ring narekober na patalim sa crime scene ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN ISIDRO

BATANGAS

CAMP CRAME

EMILIA MALABAN TIZON

MALVAR

REYNALDO TIZON

ROLAND ANIWASAL

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SENIOR INS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with