5 sugatan sa suwag ng bike
MANILA, Philippines - Lima-katao ang iniulat na nasugatan makaraang araruhin ng motorsiklo ang barbecue stand sa Laoag-Sarrat Road sa hangganan ng mga Barangay 53 at Camanggaan sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt Melvin Napiloy, ang mga nasugatan na sina Jonalyn Corpuz, 34; Felicitas Corpuz, 63; Remigia Mauricio, 50; ang 10 buwang gulang na sanggol na hindi natukoy ang pangalan. Sugatan din ang driver ng motorsiklo na si Francis Sumera, 23, kung saan pawang isinugod sa Gov. Roque Ablan Memorial Hospital at Laoag City Hospital. Lumilitaw sa imbestigasyon na nakainom si Sumera nang magmaneho ng motorsiklo kung saan tinahi ang sugat nito sa ulo at nabali pa ang kanang binti. Samantala, nabatid rin sa beripikasyon na wala itong lisensya para magmaneho.
- Latest