Mayor itinumba ng riding in tandem
MANILA, Philippines - Jose Mariano Luis Verzosa ang biktima na si Infanta Mayor Ruperto Martinez, nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib na siya nitong dagliang ikinamatay.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Verzosa na bandang alas-2:40 ng hapon ng mangyari ang insidente sa Brgy. Cato, Infanta ng lalawigang ito.
Kasalukuyang nakatayo sa may terasa ng kaniyang tahanan ang alkalde nang biglang sumulpot ang motorcycle riding in tandem.
Armado ng cal. 45 pistol ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang alkalde na nasapul ng mga tama ng bala sa katawan na siyang dagliang kumitil sa buhay nito
Ayon sa opisyal, walang bodyguard ang alkalde ng mangyari ang insidente.
Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patu¬ngo sa hindi pa malamang destinasyon matapos na mapuruhan ang target at narekober naman ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
Sa kasalukuyan, tatlong anggulo ang iniimbestigahan ng mga awtoridad una ay ang pulitika, jueteng at illegal mining operation.
- Latest