Misis nanlaban sa rapist, tinodas
MANILA, Philippines - Patay ang 37-anyos na misis matapos na manlaban sa manyakis na lalaking nagtangkang humalay habang nasa kritikal namang kalagayan ang 12-anyos nitong anak na dalagita na nagtangkang sumaklolo sa ina sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Maria Cano habang ginagamot naman sa ospital ang anak nitong si Camela Cano na sinaksak din ng suspek matapos na ma-bad trip sa sumaklolong bata sa ina nitong sumisigaw ng tulong.
Lumilitaw na natutulog ang biktima sa loob ng silid nito nang pasukin ng suspek na si Jerry Collantes ng Barangay Ocine kung saan ay sinamantala nito ang pag-alis ng bahay ng mister.
Naalimpungatan ang misis matapos na paglalamasin ng suspek ang maseselang bahagi ng katawan na pilit nitong hinuhubaran ng panty upang halayin kaya nagpumiglas sa paghingi ng tulong.
Nairita naman ang nabiting suspek at pinagsasaksak ang misis kung saan tinangka naman ng anak nitong sumaklolo sa ina matapos na magising kaya pinagbalingan itong saksakin.
- Latest
















