^

Probinsiya

Totoy inutas ng amaing adik

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Kinasuhan ng pulisya ang  39-anyos na amain matapos nitong patayin sa saksak ang kanyang 5-anyos na stepson na una niyang sinabing namatay sa aksidente sa Barangay Linao East, Tuguegarao City. Sa ulat na ipinalabas ni P/ Senior Supt. Gregorio Lim, sumuko na ang suspek na si George Panaga, tricycle driver. Lumilitaw na pinalabas ni Panaga na namatay ang kanyang stepson na si John Carlo Pasaraba sa aksidente taliwas naman sa imbestigasyon ng pulisya matapos mapag-alaman na wala namang napinsala sa traysikel nito.  Bukod dito, nabatid sa post-mortem examination ng biktima na nagtamo ng mga pasa at saksak sa katawan ang bata. Sinasabing lango sa bawal na droga ang suspek noong niyaya nitong mamasyal ang biktima sakay ng traysikel. Isa sa mga sinasabing motibo ng suspek sa pagpaslang ay nais masolo nito ang pagmamahal na inuukol sa ina sa bata.

vuukle comment

BARANGAY LINAO EAST

BUKOD

GEORGE PANAGA

GREGORIO LIM

ISA

JOHN CARLO PASARABA

KINASUHAN

LUMILITAW

SENIOR SUPT

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with