^

Probinsiya

10- toneladang gold ore nasabat

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines - Nasabat ng mga operatiba ng pulisya ang 10 toneladang “luyot”(mine tailings) na pinagkukunan ng gold ore matapos tangkaing ipuslit  palabas mula sa kabundukan sa bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa. Ayon kay P/Chief Insp. Alejandro Gannaban, walang kaukulang dokumento to transport ang kargamento mula sa Mines and Geosciences Bureau o maging sa lokal na pamahalaan. Ang nasabing kargamento ay lulan ng  Isuzu forward cargo truck na sinasabing pag-aari ni Dante Ferrer ng Talavera, Nueva Ecija. Ayon kay Gannaban, si Ferrer ay sinasabing financier ng mga pocket miners sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Viscaya kung saan kinukuha ang mga luyot mula sa minahan. Pormal naman kinasuhan ng pulisya ang driver ng truck na si Almar Bautista Arios ng Maddela, Quirino.

 

ALEJANDRO GANNABAN

ALMAR BAUTISTA ARIOS

AYON

BARANGAY DIDIPIO

CHIEF INSP

DANTE FERRER

GANNABAN

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

NUEVA ECIJA

NUEVA VISCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with