^

Probinsiya

2 UPLB student nalunod

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) ang natagpuang nakalu­tang sa mababaw na bahagi ng ilog malapit sa talon sa paanan ng Mt. Makiling sa Los Baños, Laguna noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Kevin Lagadon, 18, ng Bagong Silang, Caloocan City; at Mark Lorenz Valdes, 18, ng UPLB compound.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Fausto Manzanilla Jr. na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-2:45 ng hapon nang madiskubre ng mga hiker sa pangunguna ni Denver Novano ang bangkay ng dalawang estudyante  matapos na malanghap ang masangsang na amoy na nagmumula sa batuhan.

Lumilitaw na ang mga biktima ay napaulat na nawawala noon pang Linggo (Dec.2) base sa log book ng monitoring station 1 ng Bureau of Forestry na nagtungo sa lugar bandang alas-9:05 ng umaga pero nabigong makabalik.

Samantala, sa inisyal na resulta ng pagsusuri ni P/Supt. Roy Camarillo, hepe ng medical legal ng Regional Crime Laboratory 4A, ang pagkamatay ng dalawang estudyante ay pagkalunod.

“There was no injuries in their bodies, no sign of hazing incident and no struggle and strangulation, even though the victims sustained a bruises in their bodies, legs and arms,” ayon sa pahayag ni Camarillo.

“There is no sign of foul play against the victims and their bruises are part of the stage of the decomposition and their lungs were swollen with water,” dagdag pa ni Camarillo

Ang university campus na nasasakupan ng  Mt. Makiling Forest Reserve ay nasa hurisdiksyon din ng Barangay Batong Malake.

 

BAGONG SILANG

BARANGAY BATONG MALAKE

BUREAU OF FORESTRY

CALOOCAN CITY

CAMARILLO

CAMP CRAME

DENVER NOVANO

FAUSTO MANZANILLA JR.

KEVIN LAGADON

LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with