Barangay chairman itinumba

MANILA, Philippines - Isa na namang barangay chairman ang napaslang habang grabe namang nasugatan ang anak nitong Sangguniang Kabataan member matapos ratratin ng motorcycle-riding assassins sa bayan ng Mexico, Pampanga kahapon ng tanghali. Kinilala ang nasawi na si Chairman Jose Gonzales Jr. ng Barangay Parian habang patuloy namang isinasalba ang buhay ni SK member Jason Gonzales. Ayon kay PO3 Amiel Agustin, pasado alas-11 ng umaga nang tambangan ang mag-ama na lulan ng patrol service vehicle sa Barangay San Miguel. Ang mag-ama ay patungo sana sa Barangay Poblacion ng sundan at tambangan ng tandem habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments