^

Probinsiya

Mag-asawa, 2 anak minasaker

Raymund Catindig at Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at dalawa nitong anak matapos na pagsasaksakin ng ‘di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang kubo sa liblib na bahagi ng Barangay Mabuno sa bayan ng Gattaran, Cagayan kamaka­lawa.

Ayon kay Cagayan PNP director P/Senior Supt. Gregorio Lim, nadiskubre ni Reynaldo Bitanga ang bangkay ng mag-asawang Danny Baguiwang at Reymalyn Baguiwang kasama ang dalawang anak na sina Reydan, 5; at Reymond Baguiwang, 1.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumilitaw na noong pang Lunes ng gabi pinatay ang mga biktimang tinadtad ng saksak sa buong katawan na animo’y matindi ang galit ng killer.

Sinabi ni Lim na sinisilip ng mga imbestigador ang away sa lupa ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Bulubunduking lugar ang tahanan ng mga biktima at malayo pa ito sa iba pang mga bahay sa nasabing lugar kaya walang lumutang na testigo.

vuukle comment

AYON

BARANGAY MABUNO

BULUBUNDUKING

DANNY BAGUIWANG

GATTARAN

GREGORIO LIM

REYMALYN BAGUIWANG

REYMOND BAGUIWANG

REYNALDO BITANGA

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with