^

Probinsiya

Drug pusher itinumba

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines – Niratrat at napatay ang 24-anyos na lalaki ng mga di-kilalang gunmen sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Buli, Brgy. Duljo-Fatima, Cebu City, Cebu kamakalawa. Ayon kay SPO1 Ruth Violango, ihahatid sana ng biktimang si Niño delos Reyes ang kanyang syota na si Jessica Sunga, 23, sa Mandaue City nang pumasok sa bahay at ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki. Naganap ang pamamaslang habang ang ina ng biktima ay nasa loob ng kanilang tahanan. Kinumpirma naman ng ina ng biktima na maraming galit sa kanyang anak dahil sa pagiging tulak ng bawal na droga. Napag-alamang nakulong na rin ang biktima sa mga kasong robbery, snatching at illegal possession of firearms. Narekober ng pulisya ang ilang drug paraphernalia na pinaniniwalaang gumagamit ng bawal na droga ang biktima. Freeman News Service

vuukle comment

AYON

BRGY

CEBU

CEBU CITY

DULJO-FATIMA

FREEMAN NEWS SERVICE

JESSICA SUNGA

MANDAUE CITY

RUTH VIOLANGO

SITIO BULI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with