5 carjacker bulagta sa shootout
MANILA, Philippines - Bulagta ang limang notoryus na miyembro ng carjacking gang na nakabase sa Cordillera Region matapos makasagupa ng mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Gerona, Tarlac kamakalawa.
Sa ulat ni P/Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Gerona PNP, kabilang sa mga napaslang ay apat na lalaki at isang babae na pawang inaalam pa ang pagkakakilanlan at pinaniniwalaang mga tubong Kalinga.
Kabilang sa mga napatay sina Roger Gorospe, Cagfu; Dexter Magadang, security guard; at si Rey Alonzo Banawa.
Lumilitaw na nakatanggap ng ulat ang pulisya hinggil sa armadong grupo na puwersahang pumasok sa farm na pag-aari ng mayamang negosyante na si Bradley Bolosan sa Barangay Danzo sa nasabing bayan.
Kaagad na rumesponde ang patrol team ng pulisya sa nabanggit na barangay kung saan papalapit pa lamang ang mga ito ay sinalubong na sila ng sunud-sunod na putok ng baril.
Sa kasagsagan ng putukan, isa –isang bumulagta ang grupo kung saan narekober ang dalawang cal. 45 pistol, dalawang cal. 38 revolver at MK II fragmentation grenade na nabigong pasabugin ng mga carjacker.
Bago ito, noong Sabado ng hatinggabi ay kinarjack ng grupo sa Baguio City ang Toyota Innova (NDO-933) ni Atty. Roldan Imzon, 66, kung saan hinostage pa ito sa pagtakas patungong katimugang direksyon.
Samantala, kinumpirma rin ng pulisya na ang narekober na bangkay ay ang biktimang si Imzon na hinostage at pinaslang ng nasabing grupo saka itinapon sa palayan sa Barangay Inuman sa bayan ng Pozzorubio, Pangasinan.
- Latest