^

Probinsiya

Amok sa kulungan: Mag-ina kinatay ng preso

Ed Casulla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina na dumalaw lamang sa kanyang mister na nakakulong habang isa pa ang grabeng nasugatan makaraang  pagtatagain ng naburyong na preso na sinasabing nagbigti naman sa Masbate Provincial Jail sa Barangay Matiporon sa bayan ng Milagros kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mag-ina na sina Tessie Basical y Letada, 50; at Jayson Lucado y Letada, 15, kapwa nakatira sa Sitio Matungao, Barangay Tugbo sa Masbate City.

Samantala, sugatang isinugod sa Dr. De Castro Hospital ang isa sa presong si Rommel Buhia habang nasakote naman ang nag-amok na si Rey Esparraguera, 33, ng Barangay Malibas sa bayan ng Pa­lanas, Masbate.

Ayon kay P/Senior Insp. Norlando Mesa, hepe ng Milagros PNP, si Esparraguera ay nasawi matapos magbigti sa loob ng selda kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Heriberto Olitoquit, provincial PNP director, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon habang ang mag-ina ay dumalaw sa kanyang asawa na nakakulong.

Sa hindi nabatid na dahilan ay nag-amok ang suspek na hawak ang matalim na itak kung saan pinagtataga ang mag-ina na nakaupo at hinihintay ang kanyang mister na lumabas sa selda.

Sinugod din ng suspek ang isa pang preso na nakikipag-usap naman sa kanyang misis na dumalaw din.

Dito na sumaklolo ang mga guwardiya kung saan pinagtulungan brasuhin ang suspek na nag-amok at nagtangka pang tumakas.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung papaano naipasok ang matalim na itak sa provincial jail.

BARANGAY MALIBAS

BARANGAY MATIPORON

BARANGAY TUGBO

DR. DE CASTRO HOSPITAL

HERIBERTO OLITOQUIT

JAYSON LUCADO

LEGAZPI CITY

LETADA

MASBATE CITY

MASBATE PROVINCIAL JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with