^

Probinsiya

Sayyaf kidnapper timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang isang bandidong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa pagdukot ng 5 miyembro ng Jehova’s Witnesses sa Sulu noong 2002  matapos itong makorner sa operasyon sa Brgy. Tulongatong, Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ni Army’s 1st Infantry Division (ID) Spokesman Captain Alberto Caber ang nasakoteng bandido sa alyas lamang nitong Tuma.

Bandang alas-11:20 ng umaga nitong Biyernes ng masakote ng mga awtoridad si Tuma sa nasabing lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasig City Regional Trial Court (RTC)-Branch 266 Judge Toribio Ilao Jr.

Sinabi ni Caber na si Tuma ay sangkot sa pagdukot sa limang miyembro ng Jehova’s Witness sa Brgy. Darayaan Parang, Patikul, Sulu noong Agosto 20, 2002.

Ayon sa opisyal si alyas Tuma ang ikalawang bandido na nasakote sa loob ng linggong ito kaugnay ng pinalakas na kampanya laban sa ASG na sangkot sa kidnapping for ransom  partikular na sa Western Mindanao.

Magugunita na noong nakalipas na Huwebes ay nasakote ang Abu Sayyaf na si Abu Jaid alyas Ajing sa operasyon sa Brgy. Port Area, Isabela City, Basilan.

 

ABU JAID

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

DARAYAAN PARANG

INFANTRY DIVISION

ISABELA CITY

JEHOVA

JUDGE TORIBIO ILAO JR.

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

TUMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with